.. kaadikan ko !!
[ No Comments ] Posted on 07.11.08 under rants
Hindi na muna ako makakapag-update sa blog na to ng matagal (siguro) .. hindi na rin kase ako masyadong updated sa mga pinapanood kong anime, sa katunayan nakastock lahat ng anime sa pc ko na hindi ko naman napapanood. Nagkasakit kase ako ng matagal kaya minsanan akong nagaupdate. Sa pagbalik ko siguro okay na o baka isara ko na rin itong blog na to .. Medyo busy na kase ang buhay-buhay hindi na kagaya dati napatambay-tambay ako dito sa room ko(tamad!) .. Di pa ako sure naguguluhan ako .. hahaha ..
You can still visit me sa aking personal blog EMOBOXX.COM.
[ No Comments ] Posted on 07.08.08 under Special A

Grabeeee!! Sobrang kinikilig ako sa episode na to. Badtrip naman kase si Hikari hindi pa rin marealize na mahal sya ni Takishima. Tapos ngayong nagkasakit si Takishima, kinawawa pa.. tama bang lagyan ung ulo nya ng isang malaking bag na punong-puno ng ice, ano un papatayin nya? Puro kapalpakan pero halata kay Takishima na lumulundag puso nya. Tapos sa bandang huli pa ay hinalikan nya si Hikari, bayad daw yon sa ginawa ni Hikari sa Hawaii, kase hinalikan sya ni Hikari sa pisngi non kase un ang sinabi ni Yahiro.
Natutuwa talaga ako sa anime na to, di ko inexpect na ganito sya kakilig. More.. more..
[ No Comments ] Posted on 07.08.08 under D.Gray-man

Gah! Ang tagal ng sub ng Shinsen kaya sa Yuurisan na lang ang pinanood kong sub nila. Ano ba nangyari kay Tyki talaga? Baket bigla na lang syang naging ganun? Tsaka sa lahat ng Noah sya lang huh. Tapos heto na si Chaoji, nagsisimula ng magkaron sya ng talagang power. Tagal ko ring hinintay huh kase don sa opening theme nya may part don na may power talaga sya. Tapos bitin naman ung part kong saan buhat-buhat ni Chaoji ung mga mabibigat na bagay para lang isave si Lenalee. Di man lang sana pinakita kong paano pumasok sa kanya ung Innocence, diba? As usual tuloy labanan nina Allen at Lavi Vs. Tyki. Malapit ng mawala ung tower, kelan ba matatapos ang labanan at kelan lalabas si Cross?
Di na talaga ako makapaghintay!
[ No Comments ] Posted on 07.04.08 under Vampire Knight

Naku naman nakakabitin tong last episode nya, dame pang mga hindi malinaw. Tanong ko vampire ba ung Chairman? Baket hindi sinabi ni Kaname na sya ung pumatay kay Shizuka (don sa katawan nya talaga)? Iniisip ko nga baka sa bandang huli si Kaname ang maging kalaban, ahhaha .. diba? Mukhang gusto kong basahin ung manga nya.
Sa totoo lang ang akala ko dati maglalaban-laban ung mga vampire, ung mga nasa Night Class, kakalabanin nila si Kaname tapos magiging vampire na rin si Yuuki. Ahahahha .. di naman nangyari pero malay mo sa sequel nya, diba?
Tsaka akala ko kanina papatayin ni Kaname si Zero dahil nga nasa Level E na sya, un pala paiinumin nya nong dugo nya, e di magkakaron na rin sya ng power, okay na.. basta gusto ko ng mapanood ung sunod nya, sana naman maraming episodes para di nakakabitin.
May sequel sya, Vampire Knight Guilty ang title, ang pagkakaalam ko ngayong 2008 din sya ipapalabas kaso hindi ko alam kong anong month.
Rate ko sya 8/10